Arestado ang dalawang indibidwal matapos makumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang nasa mahigit P2-M halaga ng shabu sa San Jose, Del Monte, Bulacan.
Kinilala ang mga suspek na sina Ton-Ton Kudarat, 31-anyos at Zanaira Ibra, 26-anyos.
Aon sa mga otoridad, aabot sa tatlong daang gramo ng shabu packed kasama ng marked money ang nakuha sa isang honda beat motorcycle.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa section 5 o sale of dangerous drugs, section 26 paragraph o ang conspiracy to sell ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.— sa panulat ni Angelica Doctolero