Sinunog ng mga awtoridad ang nasa 21,000 halamang marijuana na kanilang nasabat sa limang plantasyon sa Sulu.
Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Marine Corps at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu sa bahagi ng Sitio Mangal Mangal, Barangay Masjid Punjungan sa bayan ng Caluang.
Anila, tinatayang nagkakahalaga ng P4.2-M ang mga narekober na halamang marijuana.
Samantala, nabigo namang maaresto ng Joint Task Force ang kilalang drug personality at mga kasamahan nito na pinaniniwalaang nagmamay-ari ng sinalakay na plantasyon.