18 smuggled luxury vehicles na nagkakahalaga ng 75 milyong piso ang nasabat ng Bureau of Customs o BOC sa Port of Manila.
Sa harap mismo ni BOC Commissioner Isidro Lapeña binuksan ng mga tauhan ng Aduana ang 12 container vans na pinaglagyan ng mga undervalued vehicle na dumating noong Oktubre.
Nagmula sa Hong Kong, United Arab Emirates (UAE) at United States (US) ang labindalawang (12) Toyota Land Cruiser, tatlong Range Rover, dalawang Chevrolet Camaro at F1 McLaren.
Nagkakahalaga ng 4.9 milyong piso ang market value ng kada Land Cruiser subalit 1.8 milyong piso lamang ang declared value; 1.5 milyong piso ang Range Rover pero ang declared value ng bawat Range Rover ay 8.5 milyong piso ang market value;
Nasa 1.1 milyong piso naman ang Camaro pero 4.1 milyong piso ang halaga nito habang ang McLaren ay 14.8 milyong piso ang market value pero idineklara lamang na 4.3 milyong piso.
Iniimbestigahan na ng BOC ang broker na si Roy Lasdoce at consignee na Gamma Ray Marketing.