Nakumpiska ng awtoridad ang P930,000 halaga ng hinihinalang cannabis substances mula sa dalawang drug suspects sa entrapment operation sa Baliuag, Bulacan.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Sho at alyas Ela, kapwa nakatira sa Pasig City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya, anim na kilo ng umano’y pinatuyong marijuana leaves, tatlumpung pirasong vape cartridge na may lamang marijuana oil, at boodle money ang nasabat sa operasyon.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.