Hindi tamang sa sampalin ng mga maaanghang at matinding salita ang lider ng pinaka-makapangyarihang bansa sa mundo .
Binigyang diin ito ni Senador Antonio Trillanes IV makaraang ihayag na tiyak na may hindi magandang epekto sa diplomatic relationship ng Pilipinas at Amerika ang naging banat ng Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Barack Obama.
Ayon kay Trillanes, nagkakamali ang Pangulo kung akala nito ay balewala lang at malulusutan nito ang mga naging banat niya sa lider ng Amerika dahil maaaring humina ang security sector ng bansa dahil sa matitinding banat ng Pangulo.
Matatandaang ang Estados Unidos ang pangunahing inaasahan ng bansa pagdating sa mga equipment at aircraft ng militar.
Kaugnay nito, umaasa si Senador Sonny Angara na sa pamamagitan ng mahusay na diplomasya, mare-remedyuhan ang anumang negatibong epekto na naidulot ng mga naging batikos ng Pangulo kay President Obama.
Kumpiyansa naman si Senador JV Ejercito na maaayos din ang anumang gusot dahil sa matagal ng magkaalyado ang Pilipinas at Amerika.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno