Nabunyag na iisang judge lamang ang naglabas ng search warrant na ginamit sa pagsalakay ng Philippine National Police (PNP) sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Tondo at sa mga raid sa Negros Occidental.
Sa kanyang Twitter account, pinuna ni dating Bayan Muna party-list Representative Teddy Casiño na parehong nasa labas ng hurisdiksyon ng judge ang Maynila at Negros Occidental.
Guess who issued a search warrant used in this morning’s early morning raid on Bayan Manila’s office? Same judge who did in last week’s raids in Bacolod. Both areas outside her jurisdiction. Ano ito, mass produced warrants for Duterte’s crackdown on critics and dissenters?
— Teddy Casiño (@teddycasino) November 5, 2019
Hindi tinukoy ni Casinio ang judge subalit nauna nang kinuwestyon ni dating Bayan Muna party-list Representative Neri Colmenares ang mga search warrant na inilabas ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89 para sa Negros raids.
Hiniling din ni Colmenares sa Korte Suprema na i-review ang tila paggamit sa search at arrest warrants bilang armas para sa political harassment.
Hinamon rin nito si Judge Villvert na isapubliko ang special docket book upang malaman ang basehan ng mga warrants.
Tatlong aktibista ang inaresto sa Tondo raid samantalang mahigit sa 50 naman sa mga raid sa Negros.