Lusot na sa third and final reading sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong palawigin ang maternity leave period sa 120 araw ng mga babaeng nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong sektor.
Dalawampu’t isang senador ang bumoto kahapon pabor sa Senate Bill Number 1305 o mas kilala bilang “Expanded Maternity Law of 2017″.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang lahat ng working mothers, anuman ang kanilang civil status at legitimacy ng kailang anak, ay mabibigyan ng 120 days maternity leave with pay at karagdagang opsyon na mapalawig pa ng tatlumpung araw ang kanilang leave nang walang bayad.
Habang ang mga solo parent ay pagkakalooban ng 150 days maternity leave with pay.
Nakasaad din sa naturang panukala na ang ama ay mayroong 30-day paternity leave
Winelcome naman ni Senador Risa Hontivers,ang sponsor ng panukala, ang ginawang pag-apruba rito ng Senado na nataon sa pagdiriwang ng international women’s month.
Sa kasalukuyan, ang mga bagong panganak na ina ay may 60 araw na paid leave, habang ang sumailalim sa caesarian deliveries ay entitled sa 78 araw na maternity leave.
By: Meann Tanbio