Nadagdagan pa ang mga nais tumestigo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee, posibleng madagdagan ng dalawa pa ang panibagong tetestigo bukod kay retired Police Chief Supt. Wenceslao “Wally” Sombero.
Ipinabatid ni Gordon na sinabihan na niya na magsumite ng affidavit ang mga interesadong tumestigo sa isinasagawa nilang imbestigasyon ukol sa bribery scandal.
Batay sa impormasyong nakuha ng DWIZ patrol, ang gustong tumestigo sa naturang hearing ay ang interpreter ni online gaming tycoon Jack Lam na si Atong Ang.
By Meann Tanbio | Report from: Cely Bueno (Patrol 19)