Nagpostibo sa COVID-19 ang Mayor ng Nagoya, Japan na naging kontrobersyal matapos nitong kagatin ang gintong medalya ng isang alteta nitong nakaraang buwan.
Ayon sa ulat, sumailalim si Mayor Takashi Kawamura sa COVID-19 test matapos naman na makakuha ng nasabing sakit ang kanyang Secretary nitong linggo.
Wala namang nakitang sintomas sa 72 years old na Alkalde at kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang tahanan.
Naging laman ng balita si Kawamura matapos nitong kagatin ang medalya ni Oylmpic Medalist Miu Goto ng bisitahin siya nito.—sa panulat ni Rex Espiritu