Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na aalamin ang pagkalat ng fake news kaugnay sa nationwide lockdown.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kung makikitang sinadya ang pagpapakalat ng fake news na maaaring magdulot ng pagkabagabag ng publiko, agad niyang aatasan ang NBI na mag-imbestiga upang mapapanagot ang mga nasa likod nito.
Gayunman tumanggi muna ang ahensya na isapubliko ang kanilang resources para sa iba pang mas mahahalagang bagay.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Guevarra ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga tsismis sa halip ay hintayin ang mga mahahalagang anunsyo mula sa mga opisyal.
Una rito kumalat ang mga balita na ‘di umano’y magkakaroon umano ng malawakang lockdown mula December 23, 2020 hanggang January 3, 2021 bilang bahagi ng preemptive measures ng gobyerno para maiwasan ang pagsirit ng COVID-19 cases na mariin namang pinabulaanan ng Malakaniyang National Task Force against COVID-19.