Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang nasa likod ng nag-viral na voice clip tungkol sa ‘di umano’y planong pagpapatupad ng total lockdown.
Ayon kay Inter Agency Task Force Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, isinasailalim na sa forensics ang voice clip upang tukuyin kung saan ito nagmula.
Muling itinanggi ni Nograles ang nilalaman ng voice clip.
Gaya ng sinabi ko hindi totoo yan, dinadaan na sa forensics yung voice clip na yan. Hindi namin pinag-usapan, wala kasi sa vocabulary namin ang total lock down diba, so, even ang discipline naman namin sa IATF is quarantine, community quarantine, modified or enhanced or general community quarantine we never use yung lockdown,” ani Nograles.