Nakatakdang sampahan ni dating Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service Director Niel Anthony Estrella ng mga kasong perjury, libel at iba pa si May Escoto, ang nagpakilalang bagman ng mga dating opisyal ng Aduana.
Ito’y makaraang iharap si Escoto ng customs broker na si Mark Taguba sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee Hearing kaugnay sa mahigit anim na bilyong Pisong shabu shipment.
Sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa usapin, sinabi ni Estrella na malinaw na isang bogus na testigo si Escoto dahil ang layunin ni Taguba ay ipahiya ang mga dating opisyal ng Customs.
Giit pa ni Estrella, tinatangka rin ni Taguba na mapahina ang kasong isinampa laban sa kaniya hinggil sa paglusot ng mahigit anim na bilyong Pisong shabu shipment dahil ililihis na ni Escoto ang atensyon ng publiko gayundin ng mga awtoridad sa usapin.