Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y nagpapakilalang kinatawan ng Obispo upang makahingi ng donasyon sa mga senador.
Ayon kay NBI special task force executive officer Sixto Espinesin Jr., kinilala ang suspek na si John Curt Resco, isang scammer at nagpakilalang kinatawan ng Obispo sa siyudad ng Daet, Camarines Norte na nanghihingi ng P300K para sa Diocese.
Samantala, sinabi ni Resco sa NBI na isang detainee mula sa Manila City Jail na si Dennis Jose Borbon ang mastermind sa insidente.
Dahil dito, hiniling ng opisina ni senate president Vicente Sotto III ang koordinasyon ng NBI upang imbestigahan ang naturang insidente.—sa panulat ni Airiam Sancho