Isang babae ang lumapit kay Presidential aspirant Grace Poe at nagpakilala bilang tiyahin nito sa Iloilo.
Ayon kay Lorena Rodriguez, kapatid umano siya ng tunay na ina ni Poe na si Victoria Rodriguez na umano’y patay na.
Giit ni Rodriguez, naaawa na sila kay Poe kaya’t lumabas na sila para matapos na ang problema.
Sakaling mapatunayang tiyahin nga ito ni Poe ay posibleng mabasura na ang disqualification case laban sa senadora.
Bukas naman si Poe sa ideyang magpasailalim sa DNA test si Rodriguez.
By Jelbert Perdez