Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na papanagutin niya ang mga nasa likod ng mga panibagong fake news laban sa kanya.
Tinukoy ni Robredo ang kumalat sa social media na nagpadala siya ng panis na pagkain sa Diliman Doctors Hospital na nauna nang itinanggi ng ospital.
Ayon kay Robredo, kailangang matapos na ang palaging pambibiktima sa kanya ng mga nagpapakalat ng fake news.
Kaya naman kahit pabor siya sa decriminalization ng libel at kontra sya sa cyberlibel ay kailangan na nyang aksyunan ito.
Hihingi aniya siya ng pormal na imbestigasyon at mayroon na siyang team para mangalap ng ebidensya laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news laban sa kanya.