Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig ng maternity leave.
Batay sa House Bill 4113, magiging 100 na araw na ang maternity leave para sa mga bagong panganak na ina kung saan sa kasalukuyan ay mayroon lamang 60 na araw.
Ayon sa grupong may pangunahing akda ng naturang panukala na Gabriela, sakop ng expanded maternity leave ang mga manggagawang babae sa pampribado at pampublikong sektor.
Paliwanag pa ni Rep. Emmi De Jesus, kinakailangan ng isang bagong anak na ina ang sapat na pahinga.
Bukod dito magkakaroon din ng oras ang isang ina para matutukan ang pagaalaga sa kaniyang sanggol.
—-