Napapraning na umano si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Reaksyon ito ni Senador Antonio Trillianes sa alegasyon ni Aguirre na plano niya raw alukin ng legislative immunity sina Dating Immigration Associate Commissioners Al Agrosino at Michael Robles.
Kapalit umano ang nasabing immunity sa pag-ugnay sa kalihim sa bribery scandal sa Bureau of Immigration o BI.
Sa panig naman ni Senador Kiko Pangilinan, hindi, aniya, maaring bigyan ng legislative immunity ang mga opisyal ng gobyerno kung lumilitaw na may matibay na ebidensya laban sa kanila.
By: Avee Devierte / Cely Bueno