Mababa pa rin sa 200 ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, bunsod ito ng magandang resulta ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Bagaman ilang lugar ang nakapagtala ng pagtaas sa kaso tulad ng Puerto Princesa, iginiit ni Herbosa na hindi naman ito dapat ikabahala.
Noong nakaraang linggo, 15 dayuhang turista sa Palawan ang nagpositibo sa COVID-19 pero dalawa lamang ang nagpakita ng sintomas.
Sa pinakahuling tala, nasa 68.3M Pilipino na ang fully vaccinated o 76% ng target na populasyon sa bansa.