Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa habang pinapurihan ang bagong talagang Chief PNP na si Director Oscar Albayalde.
“Through his visionary leadership, General Dela Rosa was able to steer our police force to great heights in the past 21 months. The unprecedented accomplishments of the PNP in this period attest to his determination to implement reforms and bring the organization closer to the people.”
Sa change of command ceremony sa Camp Crame, Quezon City, kahapon, binalaan ni Pangulong Duterte ang mga kriminal dahil hindi pa rin sila tatantanan ni Dela Rosa lalo’t itinalaga na ito bilang Bureau of Corrections o BuCor Director.
“Kayong mga nasa droga, nasa kidnap for ransom, kung anong krimen, pagdating niyo sa Bilibid, ang sasalubong sa inyo si Dela Rosa.”
Pinayuhan naman ng Punong Ehekutibo si Albayalde na wala itong dapat pagka-utangan ng loob dahil itinalaga siya sa puwesto batay sa kanyang kakayahan.
“You do not owe anybody anything for what you achieved; it’s your credentials.”
“I am confident that through his (Albayalde) leadership, we can further build our gains and create a just and harmonious society.”
Iginiit ni Pangulong Duterte na walang masama sa pagiging istrikto ni Albayalde na sa halip katakutan ay dapat magsilbing inspirasyon sa mga kapwa pulis na maging disiplinado.
—-