Lalo pang naghigpit ang bansang Russia laban sa mga nagsusulong ng “gay propaganda.”
Ito ay dahil sa kanilang batas, kinikilala bilang isang uri ng krimen ang magbibigay impormasyon hinggil sa LGBTQIA.
Maaari namang maharap sa mas mataas na multa ang mga lalabag at magpo-promote ng “none traditional sexual relations.”
Hinikayat naman ng mga opisyal ng Russia ang lower house parliament na magsagawa ng proposal na isulong ang civilizational values at magtuturing sa mga impormasyon tungkol sa non-traditional lifestyles o rejection of family values bilang pronography.
Pagmumultahin naman ng hanggang 815 dollars ang mga lalabag sa nasabing batas. —mula sa panulat ni Hannah Oledan