Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang 3 pang bagong opisyal sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, si Romulo Victoria Arugay ay itinalaga bilang Chairperson ng commission on Filipinos Overseas na nasa ilalim ng Office of the President (OP).
Inilagay naman si Mario Imperial Molina bilang ng Acting Member ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).
Kasabay nito, hinirang naman si Joan Masilang Padilla bilang Bagong Administrator ng Intramuros Administration, isang attached agency ng Department of Tourism (DOT).
Samantala, ayon naman sa source ng DWIZ patrol, anumang araw ay manunumpa sa tungkulin ang mga nasabing opisyal.