Arestado si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parajinog sa Pingtung County, Taiwan kagabi.
Ayon sa ulat, ang Philippine National Police o PNP ang nagbigay ng tip sa Taiwan authorities na nagbunsod ng pagkakaaresto kay Parojinog.
Nakuha ang detalye sa kinaroroonan ni Parojinog mula sa naarestong tauhan nito kamakailan.
Naghahanda na ang PNP para sunduin si Parojinog at ibalik sa bansa para kaharapin ang mga kasong nakasampa laban sa kanya.
Si Parojinog ay sampung buwan nang nagtatago sa batas matapos ang madugong raid na isinagawa sa tahahan ng mga Parojinog kung saan napatay ang kanyang kapatid na alkalde at naaresto naman ang mga pamangkin nitong sina Vice Mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr.
Natagpuan sa mga tahanan ng mga Parojinog ang matatas na kalibre ng baril, bomba, pera at iligal na droga.
Matatangdaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang naglaan ng 5 milyong pisong reward sa makakahuli kay ‘Ardot’ buhay man ito o patay.
Una na ring tinukoy ng Malacañang na ang nasa drug list ng Pangulo ang pamilya Parojinog.
Puganteng si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, naaresto sa Taiwan ayon kay PNP spokesman CSupt John Bulalacao.
10 buwan nagtago si Ardot matapos mapaslang sa isang raid ang kapatid na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog na isinasangkot sa droga @dwiz882 pic.twitter.com/wYFpATtjIu
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 24, 2018
—-