Tukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa likod ng napaulat na pagtatapon ng langis sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon kay Adrian Vargas, station commander ng coast guard sa Coron, nagsagawa ng inspeksyon ang pcg at dito nila nakita mismo ang bangkang nagtatapon ng langis sa dagat.
Isa umanong fishing boat at dalawang tourist boat ang kanilang pinatawan ng multa dahil paglabag sa Republic Act 9483 o ang Oil Pollution Law.
Una rito, naging viral sa social media nuong nakaraang buwang ang larawan at video na binahagi ni Sergei Tokmakov na isang abogado mula sa California nasa sa bansa para gumawa ng isang coffee table book nuon tungkol sa Coron.
Dito niya nakuhaan ang mga bangkang nagtatapon ng langis sa karagatan sa pagitang ng Siete Pecados at Maqunit Hot Spring.