Tinanggalan na ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong motorcycle rider sa Biñan City, Laguna na nag-viral sa isang video sa social media.
Ayon kay Clarence Guinto, director ng LTO, guilty sa kasong reckless driving, hindi paggamit ng helmet, paggamit ng hindi otorisadong plaka at paglalagay ng illegal accessories ang tatlo.
Unang kumalat ang video sa facebook kung saan nakitang pagewang-gewang na nagmamaneho ang tatlo nang walang suot na helmet sakay ng kanilang big bike na may blinkers at sirena pa.
Bukod sa kanselasyon ng lisensya, pinagmumulta rin ang tatlo ng tig-13,500.