Umabot na sa halos 170 tonelada ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Marso 1 hanggang Mayo 14 o isang araw matapos ang halalan.
Kabilang sa mga nakolekta ang nasa 21,000 piraso o 23 toneladang election-related campaign materials na katumbas ng pitong dump truck.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, target nilang matanggal ang lahat ng campaign materials sa lahat ng major roads sa metro manila ngayong linggo upang makapaghanda ang publiko para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Samantala, puspusan na rin ang paglilinis at pagbabaklas ng mga poster, sticker at iba pang election materials sa paligid ng mga paaralan na nagsilbing polling precinct noong Lunes.