Pinaniniwalaang pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA ang tatlong bangkay na nahukay sa Bukidnon.
Kinilala ang hinukay na bangkay ng retiradong pulis na si Joel Rey Miqu, tribal leader na Dionisio Camarullo at Army Sgt. Reynante Havana Espana.
Ayon sa 10th infantry division ng Philippine Army, ang naturang mga biktima ay naging bihag at pinatay ng mga miyembro ng NPA.
Natuklasan ang mga bangkay batay sa ibinigay na impormasyon mula sa mga miyembro ng komiting rebolusyunaryo sa munisipalidad na kumalas sa NPA.
Nagbigay pa umano ng pera noong Hulyo ang pamilya ng tatlong biktima sa pag-aaklang buhay pa ang mga ito.
Dinukot ng mga rebelde ang tatlo noong August 22, 2017 sa highway sa kalagangan sa parehong munisipalidad.