Hindi Pinay ang babaeng nahulihan ng illegal drugs sa Hong Kong mula sa Pilipinas nitong nakalipas na September 4.
Nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose na unang inakala ng Hong Kong authorities na Pinay ang suspek dahil sa travel record nito.
Wala namang ibang impormasyong inilabas hinggil sa identity ng naturang babaeng drug courier.
Nakuha sa suspek ang mahigit 3 kilo ng cocaine na may street value na 3.9 million US dollars o halos 180 million pesos.
By Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)