Higit 18k katao ang nahuli ng mga awtoridad na lumalabag sa ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19.
Sa lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, iprinesenta ni Interior Secretary Eduardo Año sa kanya na umabot na sa 18,862 ang kabuuang mga nahuli ng mga awtoridad na hindi nagsusuot ng face mask mula nitong Mayo 6 hanggang Mayo 10.
Sa naturang bilang, 9,379 ay kanila lamang binalaan; 8,027 naman ang pinagmulta; 491 na katao ang pinag-community service; 904 sa mga ito naman ang inaresto; habang ang nalalabi ay sasailalim sa inquest proceedings.
Dahil sa mataas na bilang ng mga lumalabag sa health protocols, sinabi ni Secretary Año na kanya nang kinausap ang justice department na bumuo ng guidelines laban sa mga patuloy na lumalabag sa umiiral na health protocols.
Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang kulong ang mga hindi sumusunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask.