Ipinag-utos ng Las Piñas City Regional Trial Court ang pagpapalaya kay Supt. Lito Cabamongan matapos maglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Una nang sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Cabamongan matapos mahuling nagpa-pot session kasama ang isang Neddy Sabdao.
Bagama’t may nakabinbin ding kasong administratibo laban kay Cabamongan, pawang mga bailable offense ang mga inihaing kasong kriminal laban sa kanya.