Tiwala si Ninoy Aquino Terminal 1 Manager Dante Basanta na matatapos na sa susunod na buwan ang rehabilitasyon sa terminal.
Ayon kay Basanta, 98 porsyento nang tapos ang ginagawang rehabilitasyon at tiyak na aabot ito sa Agosto.
Kumpiyansa si Basanta na matatapos ito sa oras, at magagamit na ng mga delegado para sa APEC Summit sa Nobyembre.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)