Sarado na simula bukas, March 28, ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 2,3 at 4 hanggang sa matapos ang panahon ng enhanced community quarantine.
Nakapag-isyu na ng notice to airmen (NOTAM) ang pamunuan ng NAIA para sa mga piloto sa buong mundo na tanging ang NAIA Terminal 1 na lamang ang mananatiling operational habang ipinatutupad ang quarantine.
Gagamitin pa rin ang Terminal 2 subalit para lamang sa mga sweeper flights at repatriation flights o pagpapauwi ng mga foreign nationals sa kanilang mga bansa.
Ang mga airlines na gumagamit sa alinman sa Terminals 2,3 at 4 ay mag-ooperate pansamantala sa Terminal 1.
Batay sa datos, mula sa dating 768 flight movements per day, bumagsak na sa 50 movements na lamang ang NAIA dahil sa pagsasara ng maraming borders ng iba’t ibang mga bansa.