Isasara ang 4 na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. bukas, Disyembre 3.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), napagpasyahan nila ito matapos kumunsulta sa Pagasa at mapag-alamang hindi lamang ulan kundi malakas rin ang hanging dala ng bagyong Tisoy.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na layon ng 12 oras na shut down na tiyaking ligtas sa pagbayo ng Bagyong Tisoy ang kanilang mga pasahero.
Hinikayat ni Moreal ang mga pasahero na manatili na lamang muna sa kanilang tahanan at makipag ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund.