Isasalang sa rapid antibody test ang mga manggagawang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Jess Martinez, Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division head, sa ganitong paraan ay matutukoy kung positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang mga empleyado.
Kabilang aniya sa mga ite-test ang mga kawani ng MIAA, gayundin ang kanilang service provider.
Mula noong Marso, aabot na sa 54 ang mga personnel na dinapuan ng coronavirus.
Dahil dito, muling nagpaalala si MIAA general manager Ed Monreal sa lahat ng airport workers na tumalima sa basic precautionary measures tulad ng pagsusuot ng mask, social distancing, regular na paghuhugas ng kamay at sanitasyon.