Pabor si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Enrile, nararapat lamang na ibalik sa MIA ang pangalan ng pangunahing paliparan ng Pilipinas.
Sa katunayan pa aniya, dapat itong gawing Metro Manila International Airport dahil sakop na ito ng Pasay City at hindi ng lungsod ng Maynila.
Una nang inihain nina presidential son at House Deputy Speaker Paolo Duterte, ACT – CIS Representative Eric Yap at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA sa paliparang pandaigdigan ng Pilipinas.
It should be MIA, Metro Manila International Airport. In fact, why should it be named Manila International Airport when it’s in Pasay,” ani Enrile.