Nagpatupad ng emergency closure ang Manila International Airport Authority o MIAA sa Runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA dahil sa nadiskubreng bitak.
Ayon sa MIAA, tatagal ang pagsasara ng runway hanggang mamayang ala-1:00 ng hapon para bigyan daan ang emergency repair.
Pinapayuhan naman ang lahat ng mga apektadong pasahero ng domestic at international flights na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline.
Matatandaang noong Mayo rin lamang ng isara din ang runway ng NAIA para sa emergency repair dulot ng mga pothole o bitak na mapanganib para sa papaalis at papalapag na mga eroplano.
By Ralph Obina | Story from Raoul Esperas (Patrol 45)
*Photo Credit: Raoul Esperas