Hiniling ni Atty. Larry Gadon, ang abogado na nagsampa ng impeachment case laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ibalik sa dating pangalan nito na Manila International Airport ang kasalukuyang Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Gadon, maghahain siya ng petisyon sa Kongreso para hikayatin ang mga mambabatas na ibalik sa orihinal nitong pangalan ang ngayo’y NAIA na naipangalan sa yumaong si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
Giit ni Gadon, hindi dapat ipangalan sa dating senador ang naturang paliparan dahil hindi naman aniya siya isang bayani kung hindi isang sinungaling at traydor.
Paliwanag ni Gadon, si Aquino ang tumulong para mabuo ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army noong 1960s.
Ipinangalan kay Aquino ang NAIA matapos paslangin sa paliparan noong 1983, nang bumalik ito sa bansa matapos ma-exile sa Amerika nang ilang taon.
—-