Tinatayang aabot sa 40,000 ang mga pasaherong daraan sa NAIA Terminal 3.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Airport General Manager Ed Monreal kasabay ng pagtiyak na sapat na ang kanilang paghahanda para sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero dahil sa Undas.
Bagama’t fully booked na ang mga eroplano ay marami pa ring mga pasahero ang mga nagbabaka-sakali na sila ay makakabiyahe pa kapag may mga hindi nakasakay na biyahero.
Wala pa namang naitatalang delayed flights ang mga airlines maliban sa isang eroplano ng Cebu Pacific na patungo sana ng Kuwait pero na-divert ito sa Bahrain dahil sa weather system.
By: Jelbert Perdez / Raoul Esperas