Muling binuksan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga papasok na international flights.
Ito’y matapos ipahinto ang operasyon nito ng isang linggo.
Gayunman limitado lamang hanggang sa 400 ang pasahero na maaaring makapasok sa paliparan kada araw.
Ayon kay Commodore Ike Enriquez, deputy chief ng Coast Guard Staff Logistics, ito ay para matiyak na magiging maayos ang pagsasagawa ng COVID-19 test at pagpapadala sa mga ito sa quarantine facilities.
Samantala, nakapag simula na rin umanong makapag pauwi ng mga OFW sa kanila-kanilang lalawigan matapos makakuha na ng clearance na sila ay ligtas sa COVID-19.