Napabilang muli ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa listahan ng “Worst Airports in Asia”.
Ayon sa website na Sleeping in Airports, pang-lima ang NAIA sa worst airports sa Asia.
Inisa-isa ng naturang travel site ang mga dahilan kung bakit muling napabilang ang NAIA sa listahan.
Ilan sa mga ito ang isyu ng tanim bala, kawalan ng kuryente, pagkasira ng air conditioning, hindi komportableng upuan at kumplikadong terminal transfers.
Subalit sa kabila nito, binigyang diin naman ng naturang website ang mga naging improvements sa Manila airport dahil na rin sa mga renovations na isinagawa sa paliparan.
Kabilang sa mga pagbabagong napansin sa NAIA ng mga travelers ay ang malinis na mga comfort rooms, karagdagang upuan at mas maayos na taxi service sa harapan ng mga terminals.
Matatandaan na napabilang na ang Naia sa listahan ng Worst Airports in Asia noong 2012 at Worst Airports in the World naman noong 2011 at 2013.
By Mariboy Ysibido