Muling napabilang sa pinaka-pangit o pinaka-malalang paliparan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y sa kabila ng pagpupursige ng gobyerno na ayusin ang imahe ng pambansang paliparan.
Base sa forum site na Askreddit sa pamamagitan ng poll questions sa mga flight attendant at piloto, pangatlo ang NAIA sa pinaka-malalang airport.
Nakaapekto sa imahe ng NAIA air traffic congestion at tanim-bala modus habang pinuna rin ng mga netizen ang makalumang sistema at pasilidad ng NAIA.
Nanguna naman ang Los Angeles International Airport, na sinundan ng Tribhuvan International Airport sa Nepal at Laguardia Airport sa New York City, sa pinaka-pangit o malalang paliparan.
Nananatiling pinakamaayos at pinakamaganda ang Changi International Airport sa Singapore.
By Drew Nacino