Pinaigting pa ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang health surveillance nito maging ang screening measures sa mga paparating at papaalis na pasahero at tripulante ng barko.
Binigyang diin ito ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado matapos tiyakin ang pagtataas sa heightened alert status ng NAIA para mapigilan ang pagpasok at pagkalat ng MERS-CoV.
Ayon kay Honrado, inabisuhan na nila ang aircraft commander na kaagad i-report ang mga pasaherong nakitaan ng sintomas ng trangkaso o anumang health emergency para kaagad itong maaksyunan ng duty health officer ng NAIA.
Inatasan na rin ang mga quarantine officials sa NAIA na mag-isyu ng health checklist at notices sa mga pasahero.
By Judith Larino