Inilagay na sa heightened alert ang lahat ng mga terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para na rin sa seguridad at kaligtasan ng mga taong nasa paliparan.
Sinasabing epektibo ito hanggang sa hanggang matapos ang Christmas season kaya’t nagkalat sa NAIA ang mga unipormadong mga tauhan ng PNP- Aviation Security Group at mga miyembro ng airport police.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, mas dumoble ang bilang ng mga dumarating at umaalis na pasahero ngayong taon kumpara noong 2015.
Hindi rin pinapayagan ang mga airport police na mag-leave ngayong holiday season para i-monitor ang mga kahina-hinalang galaw ng mga kriminal na maaaring lumikha ng kaguluhan sa NAIA.
Nararamdaman na rin ng mga motorista ang ginhawa matapos buksan sa publiko ang NAIA Expressway 2 dahil malaking bagay ito upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa lugar.
By Jelbert Perdez