(To be updated)
Ipinatatawag sa Malacañang ngayong araw ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos ang naganap na halos 5 oras na blackout sa paliparan partikular sa NAIA Terminal 3 nitong weekend na nakaapekto sa libu-libong pasahero.
Ayon sa report, sa inisyal na pahayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, inaalam pa nila ang ugat ng nasabing insidente at tumangging magbigay ng karagdagan pang detalye sa gitna na rin ng isinasagawang emergency meeting ng airport officials sa paliparan.
Una nang sinisi ang Manila Electric Company (MERALCO) sa nasabing insidente.
Details from Raoul Esperas (Patrol 45)