Pansamantalang nahinto ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng red lightning alert ng Manila International Airport Authority (MIAA) pasado ala-5:17 ng hapon kahapon.
Sa ipinalabas na abiso ng ahensiya, kapwa nila sinuspendi ang ramp movements ng mga airport personnel at mga eroplano para sa matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Una na ring humingi ng pang-unawa mula sa mga pasahero ang MIAA dahil sa posibleng pagkakaantala ng mga flight bunsod ng ipinalabas na ligthning alert.
Pasado alas-6 naman ng gabi ng magbalik na sa normal ang operasyon ng paliparan kasunod ng pagtanggal na ng MIAA sa red lightning alert.
Itinataas ng MIAA ang red lightning alert batay na rin sa ipinalalabas na babala ng PAGASA dahil sa dami ng nararanasang kidlat sa lugar na posibleng makapagdulot ng panganib sa mga pasahero, tauhan at operasyon ng paliparan.
with report from Raoul Esperas (Patrol 45)