Pasok ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa top 10 ‘most improved airports’ sa buong mundo.
Batay ito sa Skytrax World Airport Award 2018 kung saan ika-sampu ang NAIA sa mga paliparan sa buong mundo na mayroong malaking improvement.
Kabilang sa most improved airports in the world ang Rome Fiumicino, Perth sa Australia, Calgary sa Canada, Taiwan Taoyuan, Athens sa Greece, Nadi sa Fiji, Montreal sa Canada, Moscow Sheremetyevo sa Russia at Houston Intercontinental sa Amerika.
Ibinase ang report sa magandang kalidad at development sa performance ng mga paliparan.
Ikinatuwa naman ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing report.
GOOD NEWS: From worst to MOST IMPROVED!
MANILA (NAIA) ranks 10th in the “Most Improved Airports in the World”.
It takes into account the change in rating together w/ performance changes across the different product and service categories in the awards.#DOTrPH pic.twitter.com/Xr1r6eP02E
— DOTrPH (@DOTrPH) March 22, 2018
—-