Wala na ngayon sa listahan ng World’s Top 10 Worst Airports ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1.
Ito’y matapos alisin ito ng review website na “The Guide to Sleeping in Airports” makaraan ang apat na taong pananatili nito sa Top 10.
Matatandaang ipinaayos ng pamunuan ng NAIA ang Terminal 1 sa halagang 1.3 bilyong piso.
Nire-review ng naturang website ang mga paliparan base sa mga serbisyo at pasilidad sa terminal na kinabibilangan ng kalinisan, customer service at overall airport experience ng pasahero.
By Jelbert Perdez