Balik na sa all domestic flight ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 4.
Epektibo ngayong araw ay inilipat na ang lahat ng international flight na nag-ooperate sa Terminal 4 pabalik sa Terminal 3.
Bunga ito ng re-activation ng Runway 31 para sa take off ng mga air bus at maliliit na eroplano.
Apektado nito ang tatlong flight ng Air Asia at 20 Cebu Pacific flights.
Pinayuhan na makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa mga airline companies.
By Rianne Briones