Posibleng palawigin pa ang pagsasara sa apat na terminal ng Ninoy Aquino Internationa Aiport (NAIA) ngayong araw.
Ito ang inihayag ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Chief Jim Sydiongco, depende aniya sa magiging lagay ng panahon sa Metro Manila.
Ayon kay Sydiongco, ikinukunsidera nilang palawigin pa ng higit sa 12 oras o lagpas ng alas onse ng gabi ang closure sa NAIA kung mananatiling nakataas ang signal number 2 sa Metro Manila.
Una nang inanunsyo ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal ang pagsasara ng apat na terminal ng NAIA para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero gayundin ang maiwasan ang pagkasira ng mga eroplano.
Nagprisinta po ang PAGASA at binigay po yung mga operational units which the airline also confirmed na kailangan tayo ay tumigil at magsarado dahil it breaches the operational limits. Merong panuntunan ang mga airlines na pagdating ng 50 knots kailangan mag-conduct ng pre-emptive evacuation po ng eroplano,” ani Monreal.
Tiniyak naman ni Monreal na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga airline companies para sa muling pagbubukas ng mga terminal ng NAIA kung saan magiging prayoridad ang mga naka-schedule na mga flights.
Sa mga additional flights po kailangan idaan sa amin pero kung talagang, let’s say ang X-airline ay umaalis ng alas onse ng gabi o alas dose ng hating gabi everyday so, tuloy po sila mamaya ‘pag bukas po ng ating paliparan. So, the next day tuloy din po sila kasi we’re in, initially yung mga scheduled flights,” ani Monreal. — panayam sa Ratsada Balita.