Inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kanselado ang lahat ng international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport mula alas 10:00 ng umaga ngayong araw ng linggo, November 1 hanggang alas 10:00 ng umaga ng Lunes, November 2.
Ayon sa MIAA, tigil muna ang mga flight operation sa NAIA dahil sa banta ni typhoon Rolly, na inaasahang tatama sa Metro Manila, linggo ng tanghali at magtatagal hanggang sa lunes ng umaga, November 2.
Pinaalalahanan naman ang lahat ng mga may flight schedule na wag nang magtungo sa NAIA terminals dahil sarado na ito ngayong araw hanggang bukas ng alas 10:00 ng umaga.
Pinayuhan naman ang lahat ng mga pasahero, na agad na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline companies para sa kanilang mga bagong flight schedules.
Sakali namang magbalik na ang operasyon ng NAIA sa ganap na alas 10:00 ng umaga bukas, November 2, prayoridad ang mga may scheduled flights para sa nabanggit na araw.
Habang ang mga naapektuhan naman ng 24-hour closure ay makaaalis base sa new schedule na ibinigay sa kanila ng mga airline company.