Hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao na ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA ay madalas na nakararanas ng delays sa flight, pagkakaroon ng mabagal na internet, at marami pang issues.
Ngunit sapat na nga ba ito para matawag ang naia na worst airport in the world? Alamin.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng isang Australian firm na Compare the Market, 60 prominenteng mga airport sa buong mundo ang pinag-aralan, pati na rin ang kanilang Google review ratings, efficiency, accessibility, services, cleanliness, at Skytrax ratings.
Sa 60 na airport, lumapag sa pinakadulo ng listahan ang NAIA at nakakuha ng overall index na 0.24.
Samantala, nakakuha naman ito ng 6.6 na efficiency and accessibility rating, 6.1 para sa services, at 6.8 para naman sa cleanliness.
At kapag sinearch naman sa google ang naia, makikita na ang kasalaukuyang 19,042 user reviews nito ay nagresulta sa 3.8 out of 5 na ratings at 3.0 rate naman mula sa Skytrax.
Ngunit, kahit pa ganito kababa ang ratings na nakuha ng Ninoy Aquino International Airport, ika-50 naman ito sa listahan ng busiest airport globally base sa passenger footprint, bilang ng flights kada araw at ng mga destinasyon nito.
Sa ngayon, under rehabilitation pa rin ang Ninoy Aquino International Airport sa ilalim ng pamamahala ng New Naia Infra Corp. at binabalak na tapusin sa february sa susunod na taon.
Para sa’yo, ano ba ang depinisyon ng isang ‘best’ airport?